🌅 BUKANGLIWAYWAY SA BAYBAYIN NG TINGKO 🌅
Ang isang magandang tanawin ay tunay na makapagbigay kasayaham at kaligayahan sa pusong my pighati at lumbay. Isa sa mga tanawin ng aming nayon na siyang palaging pinapasyalan lalonglalo na sa mga magsing-irog.
Ang tingko ay isang baybayin ng Baranggay Daan Lungsod. Isang makasaysayang pook ng Alcoy, Cebu, dahil malinis at kasing puti ng ulap ang buhangin. Malinis at malinaw ang dagat. Sa gabi ay parang mga bituin ang mga ilaw ng mga mangingisdang nakakalat malapit sa dalampasigan. Ang pook na ito ay parang pugad na kumakalinga ng mga taong mapag-isa. Mga taong nais magpahinga ng kaluluwang naghahanap ng katahimikan para makapag-isip ng tama.
Kung ikaw ay nababagot sa ingay ng iyong kapaligiran, bakit di mo subukang magpahinga sa baybayin ng Tingko para masaksihan ang kakaibang pagsibol ng araw sa gitna Ng dagat.
Inyong amigo: @aaronplando