PAG-IINGAT SA LIKAS NA YAMAN
Imagine source
PAG-IINGAT SA LIKAS NA YAMAN
Likas na kayamanan ng tao ang kalikasan. Ito ang pinakamahalagang yamang kaloob ng Diyos na nagbibigay ng mga biyaya sa kanyang mga nilikha.
imahe mula sa Google
Mayaman ang Pilipinas sa likas na kayamanan ngunit ang mga ito'y unti-unting naglalaho dahil na rin sa kagagawan ng tao. Unti-unting nauubos ang mga punongkahoy sa kagubatan at kabundukan dahil sa ilegal na pagtrotroso. Ang mga punongkahoy ang nagsisilbing tagasipsip ng tubig ulan upang maiwasan ang baha.
Imahe mula sa Google
Ang karagatan noon ay kulay asul ay nangingitim na at puno ng mga basurang mga tao rin ang nagsisipagtapon. Gayon din ang nangyayari sa ating mga ilog, maruming-marumi dahil sa tambak ng mga basura. Ang mga isda at iba pang biyayang tubig ay nangamamatay at kung hindi man ay apektado naman ng RED TIDE. Paano kaya natin mapipigil ang pagsira sa ating kalikasan ng mga taong may maiitim na budhi? Dapat na magtulungan ang pamahalaan at mga mamamayan upang mailigtas ang ating mga likas na yamang pinagkukunan ng kabuhayan ng bansa.
Imahe mula sa Google
Nagkaroon tayo ng disiplina sa sarili, magkiisa tayo sa mga proyekto ng ating pamahalaan sa pangangalaga sa ating kalikasan. Anuman ang ating sinira sa kalikasan ay sa atin babalik. Tayo rin ang magdurusa at maghihikahos sa buhay kapag hindi natin pinahalagahan ang kayamanang ipinagkaloob ng Dakilang Lumikha. Mahirap na maibalik pa ang nasira at mapanumbalik ang naglahong ganda ng ating Kalikasan.
Inyong amigo: @aaronplando